Bilang ng bumiyaheng mga pasahero sa NAIA sa unang quarter ng 2023 higit sa doble kumpara

Bilang ng bumiyaheng mga pasahero sa NAIA sa unang quarter ng 2023 higit sa doble kumpara

Higit doble ang bilang ng naitalang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kumpara noong nakaraang taon.

Sa datos ng Manila International Airport Authority (MIAA), umabot sa 10,855,332 na pasahero ang naitala sa unang tatlong buwan ng taong 2023.

Katumbas ito ng 158% na pagtaas sa 4,200,575 na pasahero na bumiyahe sa NAIA sa unang tatlong buwan ng taong 2022.

Sa parehong buwan ng taong 2019, o bago magkaroon ng pandemya ng COVID-19, nakapagtala ng 11,587,919 na biyahero.

Maliban dito, sinabi ng NAIA na ang flight movements sa unang quarter ng taong 2023 ay umabot sa 67,781 o 77% na pagtaas kumpara sa naitalang flight movement noong unang quarter ng 2022 na 38,269.

Ayon kay MIAA General Manager Cesar Chiong, sa muling pagbubukas ng borders sa Hong Kong at China at paggaan ng ipinatutupad na travel restrictions, mas maraming pasahero ang muling nagpasya na bumiyahe papasok at palabas ng Pilipinas. (DDC, Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *