8 arestado sa anti-illegal drugs operation sa Maynila; 12 inaresto naman dahil sa pagsusugal
Umabot sa mahigit P50,000 na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa Maynila sa nakalipas na 24 na oras.
Mula umaga ng Apr 9 hanggang umaga ng Apr. 10 nagsagawa ng dalawang operasyon ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD).
Sa nasabing mga operasyon, 3 katao ang naaresto, at nakakumpiska ng P50,320 na halaga ng shabu.
Nagkasa din ng operasyon laban sa illegal gambling, kung saan mayroong 12 katao ang naaresto.
May mga nahuli ding lumabag sa iba’t ibang ordinansa na umiiral sa lungsod.
Kabilang dito ang 244 na katao na lumabag sa pagbabawal sa paninigarilyo sa public place, 141 ang nahuli dahil walang suot na pang-itaas, at may mga nahuli din sa paglabag sa curfew, paglabag sa traffic management code at obstruction. (DDC)