Operasyon ng MRT-3 balik na sa normal
Matapos ang apat na araw na holy week maintenance ay balik na sa normal ang biyahe ng MRT-3.
Simula araw ng Lunes, Abril 10 ay nakabalik sa normal na biyahe ang mga tren ng MRT-3 matapos na magpatupad ng temporary suspension ng operasyon upang magbigay-daan sa taunang maintenance activities noong Holy Week.
Umalis ang unang tren mula North Avenue station 4:36AM at 5:18AM naman mula Taft Avenue station.
Matapos ang maintenance ay kapansin-pansin ang mas malinis na mga pasilidad sa mga istasyon ng MRT-3 gaya ng ticketing booths, waiting areas, at restrooms, gayundin ang bagong pinturang platform markers at signboards.
Ilan lamang ang mga ito sa maintenance works na ginawa noong Holy Week shutdown. (DDC)