LPA binabantayan ng PAGASA sa silangang bahagi ng Mindanao

LPA binabantayan ng PAGASA sa silangang bahagi ng Mindanao

Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa silangan ng Mindanao.

Ayon sa PAGASA, ang LPA ay huling namataan sa layong 905 kilometers East ng Mindanao.

Ang trough ng LPA ay magdudulot na ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Eastern Visayas at Caraga.

Apektado naman ng northeasterly surface windflow ang Northern Samar at Central Luzon.

Dahil dito, makararanas ng maulap na papawirin na may pag-ulan sa Cagayan Valley.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may pag-ulan ang mararanasan sa Central Luzon, Ilocos Region, at Cordillera Administrative Region.

Habang isolated na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *