63 PUVs sa Cebu bumagsak sa roadworthiness inspection ng LTO
Umabot sa 63 Public Utility Vehicles (PUVs) sa Cebu ang hindi pinayagang makabiyahe ng Land Transportation office (LTO) matapos na bumagsak sa isinagawang inspeksyon ng mga otoridad.
Sa datos ng LTO-Cdentral Visayas, hindi pinayagang bumiyahe ang nasabing bilang ng mga PUV nang bumagsak sa roadworthiness inspection.
Ang ikinasang operasyon ng LTO-7 ay bahagi ng pagpapatupad ng “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa and Summer Vacation 2023”.
Simula March 31 hanggang April 8 iniulat ng LTO-7 na umabot sa kabuuang 492 na PUVs ang nasailalim sa inspeksyon sa Central Visayas. (DDC)