Social Media posts hinggil sa mga krimen na naitala sa Metro Manila peke ayon sa NCRPO

Social Media posts hinggil sa mga krimen na naitala sa Metro Manila peke ayon sa NCRPO

Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na walang katotohanan ang ilang krimen sa Metro Manila na kumakalat sa social media partikular ang umano’y insidente na nangyari sa isang Japanese restaurant;isang kilalang Coffee shop brand; at isa pang Chinese restaurant.

Seryoso ang NCRPO sa lahat nang natatanggap na impormasyon at masusing minonitor ang mga kumalat na mensahe sa ilang communication platforms, mabilis na nag-imbestiga at nagsagawa ng balidasyon kung saan itinuturing ng pulisya na ang mga umano’y krimen ay hindi totoo o nagdudulot ng kalituhan sa tao.

Paglilinaw ng NCRPO na ang nangyaring insidente sa isang Japanese restaurant ay may apat na taon ng nakalipas at simula noon ay nagpapatupad ang establisyimento ng mas maayos na security protocols upang protektahan ang kanilang negosyo at wala nang naitalang insidente hanggang sa ngayon.

Habang ang sinasabing krimen na kinasangkutan ng coffee shop at ng Chinese restaurant na parehong natukoy ng otoridad na walang basehan at hindi totoong insidente.

“We understand the potential damage and alarm that can be caused by false news and misinformation, particularly when shared widely on social media platforms. Therefore, we urge all members of the public to verify the information they receive before sharing it with others. We also request that individuals refrain from spreading any false rumors or unverified information that could cause harm or panic to the people in our community,” panawagan ni NCRPO Regional Director, Major General Edgar Alan Okubo.

Umaapela rin ang NCRPO sa lahat na gamitin ng responsable at may integridad ang kapangyarihan ng social media.

Malapit ang pakikipagtulungan ng NCRPO sa PNP Anti-Cybercrime Group upang imbestigahan ang nasabing usapin at matukoy ang nasa likod nang pagpapakalat ng mga hindi totoong reports.

Tinitiyak naman ng pulisya sa mga residente sa Metro Manila na patuloy ang kanilang pagmomonitor sa mga insidente at reports sa tunay na oras maging ang mga online platforms upang maagap na umaksyon sa ganitong mga sitwasyon.

Para sa anumang sumbong ng insidente o reklamo na kinakailangan ng police assistance ay maaaring makipag-ugnayan sa NCRPO Hotlines: 0915 888 8181/0999 901 8181. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *