Makabuluhang paggunita ng Easter Sunday, hangad ni Pangulong Marcos
Nakiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paggunita ngayong araw ng Linggo ng Pagkabuhay ng mga Katoliko.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ng pangulo na hangad niya na ang bawat Kristyanong Pinoy sa Pilipinas at iba pang dako ng mundo ay magkaroon ng makabuluhang Easter Sunday.
Sinabi ng pangulo na nawa ang Easter Sunday ay magsilbing simbolo ng pag-ibig at pag-asa, kasabay ng panawagan para sa pagkakaisa ng sambayanan. (DDC)