MRT-3 may handog na Libreng sakay sa mga beterano

MRT-3 may handog na Libreng sakay sa mga beterano

Bilang pagdiriwang ng Philippine Veterans’ Week at Araw ng Kagitingan, may handog na Libreng Sakay ang MRT-3 para sa mga beterano.

Ang Libreng Sakay bukas ay araw ng Miyerkules, April 5, at sa darating na Abril 10, 11, at 12.

Kailangan lamang ipakita ang valid Identification Card mula sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) sa security personnel ng mga istasyon.

Pahihintulutan din ang isang kasama kada beterano na makakuha ng Libreng Sakay.

Libreng makakasakay ang mga beterano at kanilang kasama sa buong oras ng operasyon ng MRT-3 sa nabanggit na mga araw.

Samantala, walangg operasyon ang MRT-3 mula Abril 6 hanggang 9, bilang pagbibigay-daan sa taunang Holy Week maintenance activities ng linya.

Magbabalik ang normal na operasyon ng MRT-3 sa Abril 10. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *