Halaga ng tulong naipagkaloob sa mga pamilyang apektado ng oil spill mahigit P79 million na

Halaga ng tulong naipagkaloob sa mga pamilyang apektado ng oil spill mahigit P79 million na

Umabot na sa mahigit P79 million ang halaga ng tulong na naipagkaloob sa mga residenteng naapektuhan ng oil spill bunsod ng paglubog ng Motor Tanker (MT) Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Sa inilabas na datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), kabuuang 178,306 na katao ang apektado o katumbas ng 37,871 na pamilya.

Ang mga ito ay mula sa 187 na mga barangay sa Calabarzon, Mimaropa at Region VI.

Ayon sa datos ng ahensya, kabuuang P79,345,096 n halaga ng humanitarian assistance ang naipamahagi na sa mga apektadong pamilya.

Tiniyak din ng DSWD na mayroon pangg sapat na pondo at stockpiles ang ahensya para patuloy na matulungan ang mga naapektuhan ng oil spill.

Kabilang dito ang mahigit P117 million na standby funds at quick response fund at mahigit P1.2 billion na halaga ng stockpiles. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *