Phivolcs nagbabala ng tsunami matapos ang malakas na lindol sa Catanduanes

Phivolcs nagbabala ng tsunami matapos ang malakas na lindol sa Catanduanes

Maaaring magdulot ng Minor Sea-Level Disturbance ang pagyanig na naitala sa karagatang sakop ng Catanduanes.

Sa forecast ng Phivolcs ang unang tsunami waves ay maaaring maranasan sa pagitan ng 9:02 ng gabi ng Martes at 12:54 ng madaling araw ng Miyerkules.

Pinayuhan ng Phivolcs ang publiko na umalis muna sa mga beach at lumayo sa mga baybayin sa mga lalawigan ng Catanduanes, Northern Samar at Eastern Samar.

Pinalilikas din sa mas ligtas na lugar ang mga residenteng naninirahan malapit sa baybaying dagat sa tatlong nabanggit na lalawigan.

Samantala, pinayuhan din ng Phivolcs ang mga may-ari ng sasakyang pandagat na kasalukuyang nasa harbors o shallow coastal water mula sa tatlong lalawigan na i-secure ang kanilang mga bangka at lumayo sa waterfront. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *