BREAKING: Catanduanes niyanig ng magnitude 6.6 na lindol; pagyanig naramdaman din sa Samar at Leyte
Tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa lalawigan ng Catanduanes.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig sa layong 120 kilometers southeast ng Gigmoto, 8:54 ng gabi ng Martes (Apr. 4).
May lalim na 9 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity II sa Palo, Leyte.
Habang naitala din ang sumusunod na Instrumental Intensities:
Instrumental Intensities:
Intensity IV
– San Jorge, SAMAR
Intensity II
– Legazpi City, Legaspi, ALBAY
– Daet, CAMARINES NORTE
– Sipocot, Iriga City, Pili, CAMARINES SUR
– Kananga, Dulag, Abuyog, LEYTE
– San Roque, NORTHERN SAMAR
– Bulusan, Prieto Diaz, SORSOGON
Intensity I
– Ragay, Pasacao, CAMARINES SUR
– Quinapondan, EASTERN SAMAR
– Palo, Alangalang, LEYTE
– Monreal, Uson, MASBATE
– Gumaca, Polillo, Mauban, Guinayangan, QUEZON
– Donsol, SORSOGON
Ayon sa Phivolcs posibleng magdulot ng aftershocks ang pagyanig.
Inaasahan ding magpapalabas pa ang Phivolcs ng updated information kung saan tutukuyin ang iba pang mga lugar na naapektuhan ng malakas na lindol. (DDC)