Paglagpas ng BOC sa target collection unang quarter ng taon, malaking bagay sa mga proyekto ng Marcos admin ayon sa lider ng Kamara

Paglagpas ng BOC sa target collection unang quarter ng taon, malaking bagay sa mga proyekto ng Marcos admin ayon sa lider ng Kamara

Pinuri ni House Committee on Appropriations chairman at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ang Bureau of Customs (BOC) matapos lumagpas sa target ang kita nito sa unang quarter ng 2023.

Kumpiyansa si Co na ang magandang ipinakita ng ahensya ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ay replekasyon ng mabubuti pang bagay sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Nakakolekta ang BOC ng P213.619 bilyon mula Enero hanggang Marso ngayong taon lagpas ng 8.43 porsyento o P16.6 bilyon sa target nitong makolekta na P197.020 bilyon.

Ang nakolektang P80.133 bilyon ng BOC noong Marso ay lagpas ng 10.86 porsyento o P7.851 sa target nitong P72.282 bilyon.

Sinabi ni Co na ang lagpas na koleksyon ay nangangahulugan na mas maraming magagamit na pondo ang Marcos administration para maipatupad ang mga proyekto at programa nito.

Ang nakolekta na lagpas sa target ay magagamit ng gobyerno upang pondohan ang mga programa gaya ng pamimigay ng ayuda sa mga lubhang naapektuhan ng pandemya at mataas na presyo ng bilihin.

Ayon kay Co susundin ng kanyang komite ang 8-Point Socioeconomic Agenda ng administrasyon na sumasaklaw sa seguridad sa pagkain, maayos na transportasyon, mura at malinis na enerhiya, pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, serbisyong panlipunan, at maayos na pamamahala sa pananalapi, at maayos na pagpapatakbo ng gobyerno.

Nauna ng sinabi ni Rubio na ipagpapatuloy ng ahensya ang pagsusumikap upang maging isa sa pinakamahusay na Customs sa mundo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *