Pagtalakay sa oil at gas development sisimulan na ng Pilipinas at China sa buwan ng Mayo
Uumpisahan na ng gobyerno ng China at Pilipinas ang pag-uusap tungkol sa pagkakaroon ng oil at gas development.
Kaugnay ito sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Beijing noong Enero kung saan napagkasunduan ang muling pag-uusap tungkol sa oil at gas development ng dalawang bansa.
Sa pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magkakaroon ng pag-uusap ang dalawang bansa sa Mayo sa Beijing.
Ito ay para simulan ang preparatory talks tungkol sa parameters at terms of reference. (DDC)