3 sa 10 PUPCs na tumakas sa Malibay Detention Facility sa Pasay, muling naaresto
Naarestong muli ang tatlo sa sampung pumuga na Persons Under Police Custody (PUPC) mula sa Malibay Detention Facility sa Pasay City sa isinagsagawang manhunt operation ng otoridad.
Kabilang sa muling nasakote ng mga pulis sina Joey Hernandez y Gabriel,at Eden Garcia y Rodriguez, kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa PD1602 o Anti-Gambling Act 9165); at Tirzo Galit y Navarro (Robbery).
Patuloy pang pinaghahanap ng otoridad ang mga tumakas na PUPCs na sina Richard Dela Cruz (MNU o middle name unknown) (Violation of RA 9165); Carlo Magno Benavidez y Legaspi (Violation of RA 9165); Christian Salvatierra y Samson (Violation of RA 9165);
Norman Deyta y Punzalan (Violation of RA 9165);
Romeo Marasigan y Estopa (Robbery);John Michael Cabe y Medellin (Carnapping); at Joshua Panganiban (MNU) (Robbery)
Ang detainee na si Joseph Orosio y Canama (Violation of PD 1602) na unang nailagay ang litrato nito sa mga tumakas na PUPCs ay klinaro ng otoridad na hindi siya tumakas at nilinaw na si Romeo Marasigan y Estopa ang kabilang sa mga umeskapo sa piitan.
Hindi pa man natatapos ang 24-oras na ultimatum na ibinigay ni Mayor Emi Calixto- Rubiano kay Pasay CPS Chief, Col. Froilan Uy para sa muling pag-aresto sa mga pumuga sa kulungan ay tatlo na agad ang nahuli ng otoridad sa ikinakasang manhunt operation. (Bhelle Gamboa)