Kumakalat na post online tugnkol sa pagsasara ng ilang Beach Resort dahil sa heatwave, itinanggi ng DOH
Itinanggi ng Department of Health (DOH) ang mga ipinakakalat na post online na hinggil sa pagsasara umano ng resort sa Western Visayas dahil sa heatwave.
Ayon kay Health Officer in Charge Usec. Maria Rosario Vergeire, peke ang kumakalat na online post na ginagamit ang pangalan ng Center for Health Development Center Western Visayas.
Sinabi ni Vegeire na walan rekomendasyon ang DOH kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para ipasara ang mga Beach Resort, tulad ng nakasaad sa mga kumakalat na balita.
Ani Vergeire, ang mga post sa kanilang social media account ay tungkol sa pagbibigay paalala sa publiko ngayong panahon ng tag-init.
Paalala ng DOH sa publiko ngayong matindi ang init ng panahon ay palagiang uminom ng maraming tubig, magsuot ng komportable na damit at manatili sa malilim na lugar. (DDC)