10 preso nakatakas sa bilangguan sa Pasay City
Sampung preso ang pumuga sa Pasay Maliban Detention Facility sa Brgy. 152, Malibay, Pasay City araw ng Lunes (Apr. 3).
Inilabas ng Southern Police District (SPD) ang larawan ng mga umeskapong preso para maimpormahan ang publiko.
Ang mga tumakas na preso ay pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, robbery at carnapping.
Ang mga tumakas na preso ay kinilala ng SPD na sina:
– Richard Dela Cruz (Violation of RA 9165);
– Carlo Magno Benavidez y Legaspi (Violation of RA 9165);
– Christian Salvatierra y Samson (Violation of RA 9165);
– Norman Deyta y Punzalan (Violation of RA 9165);
– Joey Hernandez y Gabriel (Violation of RA 9165);
– Eden Garcia y Rodriguez (Violation of RA 9165);
– Tirzo Galit y Navarro (Robbery);
– Joseph Osorio y Canama (Violation of RA 9165);
– John Michael Cabe y Medellin (Carnapping);
– Joshua Panganiban (Robbery)
Nadiskubre ng otoridad ang nangyaring jail break dakong alas-4:30 ng madaling araw ng Abril 3.
Base sa inisyal na imbestigasyon, tatlong preso ang sumira sa bakal na harang ng pasilidad bago pagtulungang bugbugin ang duty jailer at tinangay ang kanyang service firearm, pera at mga susi ng kulungan.
Panawagan ni Southern Police District Office (SPDO) District Director, Brigadier General Kirby John Brion Kraft sa publiko, kung mayroong impormasyon sa kinaroroonan ng mga nabanggit na tumakas ay ipagbigay alam agad sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya.
Maari ring tumawag sa mga numerong: 09568005277 (Globe), 09985987922 (Smart) PASAY TOC at DTOC sa numerong 09173661036. (DDC/ Bhelle Gamboa)