MARINA nagsagawa ng vessel and crew compliance monitoring sa mga pantalan sa Northern Samar

MARINA nagsagawa ng vessel and crew compliance monitoring sa mga pantalan sa Northern Samar

Nagsagawa ng a vessel and crew compliance monitoring ang mga tauhan ng MARINA Regional Office VIII (MRO8) sa Balwharteco, Dapdap at Jubasan Port sa Northern Samar.

Ito ay sa ilalim ng pagpapatupad ng “Oplan Biyaheng Ayos” ng ahensya.

Sa ilalim ng ginawang compliance monitoring, tiniyak ang pagpapatupad ng safety standard procedures sa lahat ng mga barko at kanilang mga crew na nag-ooperate sa Matnog Port Sorsogon patungong Allen Northern Samar at vice versa.

Dahil din sa patuloy na pagdagsa ng mga pasahero, siniguro ng MARINA Na naipatutupad ang MARINA Advisory No. 2023-08.

Sa nasabing abiso, inaatasan ang mga pantalan na tiyaking ang mga barko ay hindi mananatili sa pantalan ng mahigit sa 2 oras. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *