Barko galing US dumating na sa Oriental Mindoro para tumulong sa oil spill response operations
Tumulong ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Bureau of Customs, Bureau of Immigration sa pagsasagawa ng Quarantine and Security (CIQS) procedures para sa Dynamic Positioning Vessel (DPV) PACIFIC VALKYRIE na dumating sa karagatang sakop ng Calapan, Oriental Mindoro.
Kinontrata ng U.S. Navy ang DPV PACIFIC VALKYRIE para tumulong sa nagpapatuloy na oil spill response operations ng pamahalaan.
Pinangunahan ni Incident Management Team in Oriental Mindoro Commander, CG Commodore Geronimo Tuvilla katuwang ang mga kinatawan ng BI sa pag-inspeksyon sa DPV PACIFIC VALKYRIE.
Pagkatapos ng inspeksyon sa barko, agad itong nagtungo sa operational area lulan ang U.S. Navy Remotely Operated Vehicle (ROV).
Ang ROV ay magsasagawa ng thorough survey at 3D mapping, gayundin ang oil leak control measures sa lumubog na MT Princess Empress. (DDC)