Parade of Stars para sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival naging matagumpay
Naging matagumpay ang idinaos na Parade of Stars para sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival.
Nagpagandahan ng mga float ang walong pelikulang kalahok sa Summer MMFF sa isinagawang parada sa Quezon City.
Pinangunahan nina MMDA Acting Chairman and concurrent MMFF Over-all Chairman Atty. Don Artes, at Quezon City Mayor Joy Belmonte ang opening ceremony para sa festival.
Tinahak ng parada ang kahabaan ng Commonwealth Avenue patungong Liwasang Aurora sa Quezon Memorial Circle kung saan nagkaroon naman ng Meet and Greet ng mga bida sa mga kalahok na pelikula.
Ang Summer MMFF na may temang “Tuloy ang Saya” ay mula April 8 hanggang 18 kung saan ang walong eight official entries ay mapapanood sa mga sinehan sa buong bansa.
Kabilang sa walong entries ang “Apag”; “Singlebells”; “About Us But Not About Us”; “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko”; “Unravel: A Swiss Side Love Story”; “Here Comes The Groom”; “Yung Libro Sa Napanuod Ko”; at “Love You Long Time”. (DDC)