Oplan Biyaheng Ayos ng MARINA nagsimula nang umiral
Nagsimula na ang pagpapatupad ng “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2023” ng Maritime Industry Authority (MARINA) kasabay ng pagtataas ng heightened alert status nito.
Layunin nitong masiguro ang pagbibigay serbisyo sa mga pasahero at matiyak ang kanilang kaligtasan para sa long weekend.
Hinikayat ni MARINA Administrator Atty. Hernani N. Fabia ang lahat ng regional offices ng MARINA at Enforcement Service (ES) nito na tiyaking namo-monitor ang lahat ng passenger vessels na maglalayag.
Ipinaalala din ng MARINA ang pag-iral ng Circular No. 2018-07 ngayong Semana Santa 2023.
Sa nasabing circular, tinitiyak na ang mga pasahero ay maaaring mag-claim ng payments/refunds ng kanilang pamasahe kung nagkaroon ng delay, nakansela, o nagkaroon ng unfinished/uncompleted voyages.
Nanawagan din ang MARINA sa lahat ng shipowners, operators, crews, at mga pasahero na makipagtulungan para makamit ang “incident-free Semana Santa”. (DDC)