PCG nakapagtala ng mahigit 26,000 na pasaherong bumiyahe sa mga pantalan
Nakapagtala ang Philippine Coast Guard ng mahigit 26,000 na mga pasaherong bumiyahe sa mga pantalan sa bansa mula 12:00 ng madaling araw hanggang 6:00 ng umaga ng Lunes, Apr. 3.
Ito ay kaugnay ng nagpapatuloy na pagpapatupad ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa & Summer Vacation 2023.
Ayon sa PCG, umabot sa kabuuang 14,114 outbound passengers at 12,742 inbound passengers ang bumiyahe sa mga pantalan sa buong bansa.
Mayroong 2,552 na frontline personnel ang Coast Guard sa 15 PCG Districts.
Nakapag-inspeksyon sila ng 312 na barko at 71 motorbancas.
Ang lahat ng PCG districts, stations, at substation ay nakasailalim sa ‘heightened alert’ hanggang Apr. 10, 2023 para matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong bibiyahe ngayong Holy Week. (DDC)