PAL may paalala sa mga pasahero sa inaasahang pagdami ng tao sa mga paliparan ngayong Holy Week
Nagpaalala ang Philippine Airlines (PAL) sa simula ng pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan ngayong Holy Week.
Ayon sa PAL, inaasahan ang madaming pasaherong bibiyahe hanggang sa Apr. 9, 2023.
Sa inilabas na paalala sinabi ng PAL na para makaiwas sa mahabang pila, maaaring mag check-in na sa pamamagitan ng website o myPAL app 24 hours to 1 hour bago ang scheduled flight.
Dapat ding tiyaking pasok sa free baggage allowance ang bigat ng bahage.
Dahil din sa inaasahang pagsisikip sa daloy ng traffic, mas mabuti kung bibiyahe na ng maaga patungong airport.
Ayon sa PAL, maaring makaranas ng pagsisikip sa daloy ng traffic lalo na sa Manila at Cebu.
Sa NAIA, ang check-in counters ay bubuksan sa mga sumusunod:
• 3 hours for domestic flights at NAIA Terminal 2
International flights:
• 6 hours for NAIA Terminal 1
• 5 hours for NAIA Terminal 2
Pinapayuhan din ang mga pasahero na i-check ang status ng kanilang flight bago magpunta sa paliparan. (DDC)