Pitong Chinese national namataan ng PCG lulan ng isang supply vessel sa Tacloban City
Pitong Chinese national ang namataan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Eastern Leyte lulan ng isang supply vessel sa Tacloban Port sa Tacloban City.
Katuwang ng Coast Guard sa nasabing operasyon ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI), Bureau of Customs (BOC), at Tacloban City Health Office.
Pinababa ng MV KAI DA 899 ang mga dayuhan.
Bilang bahagi ng operational procedures kinumpiska din ang kanilang cellular phones, CCTV hard drive, at vessel flags.
Pagdating sa Pilot Harbor, isinailalim sa medical examination ang mga Chinese crew kabilang ang COVID-19 testing.
Pawang nasa maayos naman ang kalusugan ng pitong dayuhan ayon sa doktor na sumuri sa kanila.
Dinala ng PCG ang pitong Chinese crew sa Region Intelligence Unit ng BI sa Tacloban City.
Tinanggap din ni BI Region Intelligence Unit head Randy Mendoza ang mga kinumpiskang dokumento at gamit ng mga dayuhan. (DDC)