NCRPO tiniyak ang seguridad ngayong Semana Santa

NCRPO tiniyak ang seguridad ngayong Semana Santa

Sinisiguro ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director, Major General Edgar Alan O. Okubo ang pagbibigay ng seguridad sa Metro Manila ngayong holy week o Semana Santa.

Ayon kay RD Okubo na alinsunod sa OPLAN Biyaheng Semana Santa 2023, tinitiyak ng NCRPO ang pagpapaigting ng presensiya ng mga pulis at police visibility sa kalakhang Maynila lalo na sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero sa panahong ito.

Kaugnay nito,pinangunahan ng NCRPO chief ang isinagawang ocular inspection sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, PITX at sa mga bus terminal.

Bahagi ito sa pagsiguro ng NCRPO na bigyang proteksiyon at tiyaking ligtas ang ating mga kababayan na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya para magbakasyon. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *