Motorcycle riding academy trainers sumasabak sa training

Motorcycle riding academy trainers sumasabak sa training

Sinimulan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isabak sa training at refresher courses ang mga motorcycle riders na magsisilbing trainers sa Motorcycle Riding Academy na itinayo ng ahensya.

Sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na ang pagsasanay ng trainers ay upang ihanda ang mga napiling tauhan sa pagkakatatag ng Motorcycle Riding Academy na mag-aalok ng libreng mga pag-aaral para mabawasan ang mga aksidenteng kinasasangkutan ng motorsiklo at gawing mas ligtas ang mga kalsada.

“We hope to further improve road safety through the Motorcycle Riding Academy, especially among our motorcyclists, who are particularly vulnerable to accidents on the road,” sabi ni Artes.

Ang training ay isinasagawa sa Clark International Speedway sa Mabalacat, Pampanga, sa pagboboluntaryo ni Coach Dashi Watanabe, head coach ng Watanabe Riding Development.

“The trainers’ training is in support of the MMDA’s Motorcycle Riding Academy. I believe that educating motorcycle riders is important in the prevention of road traffic crashes. Knowing how to drive a motorcycle is not enough. Riders should have the proper knowledge on the rules, operation, safety gear, risks of riding, discipline, defensive driving, among others,” wika ni Watanabe.

Sa mga banggaan sa kalsada na kinasasangkutan ng mga motorcycle riders, nanawagan si Watanabe sa mga riders na samantalahin ang free training na magbibigay sa kanila ng refresher course ukol sa mga alituntunin at regulasyon ng trapiko,disiplina at pag-iingat, karaniwang riding skills training at iba pa.

Ayon naman kay Atty. Victor Pablo Trinidad, Assistant General Manager for Operations officer-in-charge, isinasagawa aniya ang training kada batch ng 10 na tauhan na nakatuon sa paghahanda kung paano sakyan ang kanilang motorsiklo,nakasuot ng wastong safety gear, magtuturo ng mga pag-iingat, drills at techniques sa mga riders.”

“Aside from providing riders with formal training on both theoretical and practical aspects of motorcycle riding, the Academy will also provide basic emergency response training for the motorcycle riders,” ani Trinidad.

Ang motorcycle safety training course module ay binuo upang magbigay ng wastong training at karaniwang kaalaman para sa nagsisimula pa lamang at may karanasan ng riders gaya ng iba’t ibang types, characteristics, basic parts, and basic control and operation ng mga motorsiklo; mga road safety laws, rules, and regulations pertaining to the operation of motorcycles; at kinakailangang driving skills kung paano iwasan ang mapanganib na mga sitwasyon at pang-unawa sa risk awareness at risk taking.

Sa ilalim ng proyekto, kabilang sa training session ay ang classroom-type lectures at actual motorcycle-riding simulation exercises.

Ang pagsasanay ay bukas sa lahat ng interesadong aplikante ng libre at mabibigyan sila ng sertipiko kapag nakumpleto ang lektura,praktikal na aplikasyon at ng Basic Emergency Response Course.

Ngayon ang Riding Academy ay nakatayo sa vacant property ng Government Service Insurance System (GSIS) sa Julia Vargas Avenue, panulukan ng Meralco Avenue, Pasig City. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *