3 arestado sa Davao; mga armas at pampasabog nakumpiska
Nagsagawa ng serye ng operasyon ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Davao Region sa Davao Occidental, Davao Oriental at Davao Del Sur.
Ayon kay CIDG Director PBGEN Romeo Caramat Jr. nakumpiska sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng mga armas at mga pampasabog.
Kabilang sa nakumpiska sa unang operasyonna ikinasa sa Malita, Davao Occidental ang mga sumusunod:
– isang .45 caliber
– isang Cal. 45 magazine
– pitong bala para sa 45 Cal.
Kinabukasan, sinalakay naman ng mga otoridad ang isa pang lugar sa Brgy. Cabagayan, Tarragona, Davao Oriental, kung saan nakumpiska ang mga sumusunod:
– isang Homemade Shotgun;
– pitong 12 Gauge live ammunition
– apat na 12 Gauge Fired ammunition
– labing anim na Cal. 45 live ammunition
– isang cal 45 magazine
– isang Pouch
– dalawang inside holster at bags
Sa parehong petsa, nakumpiska din ng mga otoridad sa Padada, Davao del Sur ang mga sumusunod;
– isang UZI Submachine Gun na may limang bala
– 22pcs ng bala para sa 5.56mm
– isang Black Sling Bag
Sa mga nabanggit na magkakahiwalay na operasyon ay nadakip ang mga suspek na sina Cerelo Lasaka Bandalan, 67, Dennis Tubalado Genita, 46 at Leonardo Lumayas Sanama Jr., 37.
Inihahanda na ng mga otoridad ang kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Act on Firearms and Ammunition laban sa mga suspek.
Samantala, sa Talaingod, Davao del Norte na-recover din ng mga operatiba ng CIDG 11 ang isang Hand Grenade, isang Rifle Grenade, at isang Cal. 38 na walang Serial Number.
Ang mga ito ay pinaniniwalaang pag-aari ng isang lider ng Communist Terrorist Group na si alyas “KA BUGSONG”. (DDC)