Pagpapanatili ng fishing ban sa mga munisipalidad na apektado ng oil spill inirekomenda ng BFAR

Pagpapanatili ng fishing ban sa mga munisipalidad na apektado ng oil spill inirekomenda ng BFAR

Mananatili ang pagpapatupad ng fishing ban sa mga bayan sa Oriental Mindoro at sa Caluya, Antique na apektado ng oil spill.

Ito ang rekomendasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos ang resulta ng pinakahuling pag-analisa na isinagawa sa mga fish samples na kinulekta sa mga apektadong munisipalidad.

Ayon sa BFAR, mayroon pa ding low level ng contaminants o polycyclic aromatic hydrocarbons (PAH) sa mga kinulektang fish samples sa mga bayan ng Bansud, Bongabong, Bulalacao, Calapan, Gloria, Mansalay, Naujan, Pinamalayan, Pola, at Roxas sa Oriental Mindoro at sa Caluya, Antique.

Ang PAH ayon sa BFAR ay delikado sa kalusugan ng tao at iba pang living organisms.

Ayon sa BFAR, nakapaglaan na ang ahensya ng P4.4 million-na halaga ng livelihood assistance sa pamamagitan ng post-harvest technology packages para sa 10 fisherfolk associations and cooperatives.

Tinatayang 689 na pamilya ang nakinabang dito ayon sa BFAR. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *