Mga bagong dental equipment para sa mga taga-Las Piñas 

Mga bagong dental equipment para sa mga taga-Las Piñas 

Pinalakas pa ng Pamahalaang Lokal ng Las Piñas ang kanyang hakbang sa pagbibigay nito ng dental services para sa mga residente ng lungsod.

Ito ay makaraang bumili ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng City Health Office (CHO) ng 16 na karagdagang bagong dental chairs na ilalagay sa mga health centers sa lungsod at dalawa naman ang ikakabit sa Dental Service Health Van.

Layunin nitong magbigay ng mas magandang dental services at maraming Las Piñeros ang makikinabang sa naturang programa sa inisyatibo nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar.

Bukod pa rito ang pagtugon sa mga nangangailangan ng mobile dental services sa iba’t ibang lugar sa Las Piñas kung saan gagamitin ng CHO ang kanyang dental health bus sa medical missions sa mga eryang hindi gaanong naabot ng serbisyo.

Kabilang sa mga handog na serbisyo ng health center dentists ay ang oral consultation, cleaning, fluoride treatment, sealant application, dental filling procedures, tooth extraction, at ang Libreng Pustiso Program ng lokal na pamahalaan na nagkakaloob ng free dentures sa mga kuwalipikadong benepisyaryo.

Sa ngayon nasa kabuuang 30 na dental chairs ang ginagamit ng CHO sa naturang mga serbisyo. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *