34 na pasyente at staff ng Hospicio de San Jose sa Maynila nagpositibo sa COVID-19

34 na pasyente at staff ng Hospicio de San Jose sa Maynila nagpositibo sa COVID-19

Tinulungan ng mga tauhan ng Philippine Red Cross ang mga pasyente at staff ng Hospicio de San Jose sa Maynila na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Red Cross humingi ng tulong kay Red Cross chairman at Sen. Richard Gordon ang pamunuan ng Hospicio para mai-isolate ang mga pasyente.

Agad nagpadala ng dalawang negative pressure na ambulansya at isinakay ang mga pasyente patungo sa PRC Isolation facility sa Adamson University.

Ayon sa Red Cross karamihan sa mga pasyente ay mga nakatatanda na. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *