1,197 na tauhan ipakakalat sa ng PNP sa Region 10 para sa Semana Santa
Magpapakalat ng mahigit 1,100 na pulis sa Northern Mindanao para sa paggunita ng Semana Santa.
Ayon kay Police Regional Office 10 Regional Director PBGEN Lawrence Coop, kabuuang 1,197 PNP personnel ang ipapakalat sa rehiyon.
Itatalaga ang mga pulis sa mga simbahan, major thoroughfares, transportation hubs/terminals, commercial areas, at iba pang lugar na dinadagsa kapag Semana Santa.
Sinabi ni Coop na inaasahan na ang pagdagsa ng mga deboto sa mga simbahan gayundin ang pagdami ng tao sa mga tourist spots.
Siniguro ng regional director ang maximum deployment ng mobile at foot patrols, traffic enforcers at pagtatalaga ng police assistance desk. (DDC)