12 nasawi sa nasunog na barko sa Baluk-Baluk Island, Basilan

12 nasawi sa nasunog na barko sa Baluk-Baluk Island, Basilan

Umakyat na sa labingdalawa ang nasawi sa nasunog na barko sa lalawigan ng Basilan.

Lulan ng MV Lady Joy 3 ang nasa 200 pasahero nang sumiklab ang apoy pagsapit nito sa bahagi ng Baluk-Baluk Island sa Hadji Muhtamad.

Galing ng Zamboanga City ang barko at patungo sana ng Jolo, Sulu nang mangyari ang insidente gabi ng Miyerkules (Mar. 29).

Ayon kay Basilan Gov. Jim Salliman, patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Nagpaabot si Salliman ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawing pasahero.

“Upon order of Gov. Saliman, the Provincial Government immediately mobilized all its resources to assist the passengers and to speed up the recovery efforts for the missing passengers. Our prayers during this time of Ramadan go to the passengers and their families,” ayon sa pahayag ng Provincial Government ng Basilan.

Samantala, sa pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG) tumulong ang kanilang mga tauhan sa PCG Station Basilan sa search and rescue operations sa mga nawawala pang pasahero.

Ayon sa PCG, agad idineploy ang Search and Rescue (SAR) Team mula sa Coast Guard Sub-Station Maluso.

Nag-deploy din ng SAR Team mula sa CGS Basilan, CGSS Lamitan at Special Operations Unit Team Lamitan.

Ipinadala din ang BRP Cape EngaƱo, BRP Tubbataha at MCS 3007 sa lugar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *