P4B na halaga ng shabu nakumpiska sa isang Chinese national sa Baguio City

P4B na halaga ng shabu nakumpiska sa isang Chinese national sa Baguio City

Arestado ang isang Chinese national matapos matagpuan sa kaniyang tinitirahang bahay sa Baguio City ang 500 kilo ng hinihinalang shabu.

Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Cordillera, isinilbi ang search warrant sa Purok 4, Barangay Irisan, Baguio City katuwang ang mga tauhan ng Police Regional Office-Cordillera (PRO-COR); National Capital Region Police Office (NCRPO) at National Bureau of Investigation.

Nadakip sa operasyon si Ming Hui alyas “Tan”, 51-anyos matapos matagpuan sa kaniyang bahay ang P4 na bilyon halaga ng shabu.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., maituturing itong pinakamalaking “drug hull” sa Cordillera.

Nagpasalamat si Abalos sa pagtutulungan ng iba’t ibang law enforcement agency at kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *