DOTr, MMDA nag-inspeksyon sa PITX bilang paghahanda sa Semana Santa

DOTr, MMDA nag-inspeksyon sa PITX bilang paghahanda sa Semana Santa

Nagsagawa ng inspeksyon sina Department of Transportation ( DOTr) Secretary Jaime Bautista, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes at iba pang opisyal kaugnay sa operasyon at pasilidad ng ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong nalalapit na Holy Week o Semana Santa.

Layunin nitong masiguro ang kaligtasan ng pagbiyahe ng mga pasahero magsisiuwian sa kani-kanilang probinsiya upang doon gunitain ang Mahal na Araw ayon kay DOTr Sec. Bautista.

Sa pag-iikot ng kalihim ay kinamusta niya ang mga pasahero kung kuntento ang mga ito sa serbisyo ng naturang terminal.

Pinag-iingat din ni Bautista sa pagmamaneho ang mga driver ng bus bilang bahagi ng kanilang pag-iingat sa mga pasahero na maihatid sa kanilang destinasyon.

Inalam din nito ang paghahanda ng bus companies partikular ang kanilang mga ticketing booths.

Sinabi naman ni MMDA Chairman Romando Artes na magtatayo sila ng command center na magmomonitor sa mga terminal, paliparan at mga pantalan sa Metro Manila sa pagdagsa ng mga pasahero.

Magsasagawa aniya sila ng drug test sa mga drivers sa PITX upang matiyak na hindi sila gumagamit ng ipinagbabawal na droga.

Ayon sa pamunuan ni PITX aabot sa 1.2 Milyon ang dadagsang pasahero sa terminal mula Marso 31 hanggang Abril 10. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *