Davao de Oro niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa lalawigan ng Davao De Oro.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 12 kilometers southeast ng New Bataan, 6:37 ng umaga ng Huwebes (March 30).
May lalim na 1 kilometer ang payanig at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na Instrumental Intensity IV sa Nabunturan, Davao De Oro.
Ayon sa Phivolcs hindi naman inaasahang magdulot ng aftershocks ang naranasang lindol. (DDC)