DOH binabantayan ang mga sakit na maaaring maidulot ng krisis sa tubig

DOH binabantayan ang mga sakit na maaaring maidulot ng krisis sa tubig

Binabantayan ng Department of Health (DOH) ang posibleng pagdami ng mga sakit na maaaring maidulot ng kakapusan ng suplay ng tubig.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, kapag mayroong krisis sa tubig, nag-iimbak ng tubig sa timba o balde ang mga residente.

Ang mga hindi natatakpang imbak na tubig ay maaaring pangitlogan ng mga lamok na nagdudulot ng sakit na dengue.

Kabilang din sa mga sakit na maaaring maranasan ay malaria, cholera at typhoid fever.

Sinabi ni Vergeire na kung marumi ang tubig na iinumin ay maaari itong magdulot ng sakit.

Mas mainam aniyang pakuluan kahit 5 minuto ang tubig bago inumin.

Una nang nagbabala ang PAGASA na makararanas ng El NiƱo sa bansa sa kalagitnaan ng taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *