PNP at Makati Medical Center Foundation magtutulungan para mapalakas ang kapasidad ng PNP hospitals
Lumagda sa kasunduan ang Philippine National Poloice (PNP) at ang Makati Medical Center Foundation para sa pagpapalakas ng
organizational capacity ng PNP hospitals at medical treatment facilities nito.
Ginawa ang MOA signing ceremony sa MMC Tower 3, Keyland Center, Makati City, na dinaluhan ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. at mga kinatawan mula sa foundation.
Layon ng kasunduan na mapabuti ang kalidad ng healthcare services na ibinibigay para sa PNP personnel at kanilang pamilya.
Sa ilalim ng MOA, ang MMC Foundation ay tutulong sa PNP Health Service sa pagbuo ng sustainable at strategic organizational and operational management plan.
Magsasagawa ang MMC Foundation ng conferences, workshops, coaching at mentoring sessions, at training interventions sa mga PNP hospital management staff.
Nagpasalamat naman si Azurin sa MMC Foundation.
Aniya ang health security ay crucial concern, hindi lamang sa PNP kundi sa buong bansa. (DDC)