Field Personnel ng MMDA bibigyan ng 30-minute heat stroke break

Field Personnel ng MMDA bibigyan ng 30-minute heat stroke break

Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng heat stroke break sa kanilang mga field personnel ngayong tumitindi na naman ang init ng panahon.

Nilagdaan ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes ang memorandum circular para muling ipatupad ang 20-minutong “heat stroke break” para makaiwas ang kanilang mga tauhan sa heat exhaustion, heat stroke, at heat cramps.

Ipatutupad ito mula sa April 1, 2023 at tatagal hanggang May 31, 2023.

Rotation basis ang heat stroke break ng mga tauhan ng MMDA.

Ang mga on-duty traffic enforcer at street sweeper ay puwedeng umalis sa kanilang puwesto para pansamantalang lumilim at magpalamig.

Ang mga traffic enforcer na naka-duty ng 5am to 1pm ay papapayang mag-“heat stroke break” ng 10am to10:30 am o 10:30am to 11am.

Kung 1pm to 9pm naman ang shift, ang kanilang break ay 2:30pm to 3pm o 3pm to 3:30pm.

Sa mga naka-duty naman ng 6am to 2pm, ang kanilang “heat stroke break” ay mula 11am to 11:30am o 11:30am to 12noon.

At para sa mga 2pm to 10pm ang shift, ang break time nila ay 3pm to 3:30pm o 3:30pm to 4pm.

Narito naman ang schedule ng “heat stroke break” ng street sweepers:

6AM TO 2PM SHIFT
heat stroke break
– 11am to 11:30am
– 11:30am to 12nn

7AM TO 4PM SHIFT
heat stroke break
– 12n to 1pm

11AM TO 7PM SHIFT
heat stroke break
– 2:30pm to 3:00pm
– 3:00pm to 3:30pm

Salitan ang pagsasagawa ng heat stroke break para mapanatili pa rin ang visibility ng mga traffic enforcers at street sweepers sa kanilang lugar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *