Number Coding suspendido mula Apr. 6 hanggang Apr. 10
Naglabas ng abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa suspensyon ng pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Semana Santa.
Ayon sa MMDA, suspendido ang number coding sa mga sumusunod na araw:
April 6, Huwebes Santo
April 7, Biyernes Santo
April 8, Sabado de Gloria
April 9, Linggo ng Pagkabuhay
April 10, Lunes (Araw ng Kagitingan)
Paalala ng MMDA sa mga motorista, planuhin ang biyahe at mag-ingat sa pagmamaneho. (DDC)