Ilocos Norte niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Tumama ang magnitude 4.6 na lindol sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay naitala sa layong 56 kilometers northwest ng bayan ng Burgos, 1:51 ng hapon ng Martes (Mar. 28).
May lalim na 12 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV
– Pasuquin, Bacarra, Laoag City, Carasi, Burgos, at Batac City sa Ilocos Norte
Intensity I
– Sinait, Ilocos Sur