P19M na halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska sa Davao Port

P19M na halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska sa Davao Port

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Davao ang P19 million na halaga ng shabu sa Sta. Cruz, Davao del Sur.

Ang kontrabando ay kinabibilangan ng 499 master cases na naglalaman ng 24,950 reams ng illicit cigarettes.

Nagpapatrulya ang mga tauhan ng BOC Water Patrol Division (WPD) sa gulf of Davao Coast nang mamataan ang “MV Amiesha”.

Nang inspeksyunin ay nabigo ang mga crew ng bangka na magpakita ng legal documents sa mga karga nitong sigarilyo.

Kinumpiska ang mga sigarilyo dahil sa paglabag sa Section 117 ng R.A. 10863 o “Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2016. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *