Mahigit 1,700 na motorista nahuli sa unang araw ng pagpapatupad ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Ave. sa QC

Mahigit 1,700 na motorista nahuli sa unang araw ng pagpapatupad ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Ave. sa QC

Umabot sa mahigit 1,700 ang mga motoristang nahuli sa unang araw ng pagpapatupad ng Exclusive Motorcycle Lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ito ay base sa pinagsamang datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Quezon City Traffic and Transport Management Department.

Sa 1,739 na naisyuhan ng violation receipt, 706 ang motorsiklo at 1,033 ang pribadong sasakyan.

Araw ng Lunes (Mar. 27) ang full implementation ng exclusive motorcycle lane sa nasabing kalsada makaraang matapos na ang isinagawang dry run.

Itinalaga ang ikatlong lane ng Commonwelath Ave. mula sa side walk para eksklusibong daanan ng mga motorsiklo.

Ang multa para sa mga lalabag ay P500 sa motorcycle rider at private motorist at P1,200 naman sa mga driver ng public utility vehicle.

Muling ipinatupad ang nasabing alituntunin dahil sa mataas pa ring bilang ng naitatalang aksidente na kinasasangkutan ng motorsiklo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *