8 arestado sa anti-illegal drugs operations sa Maynila; 26 inaresto naman dahil sa pagsusugal

8 arestado sa anti-illegal drugs operations sa Maynila; 26 inaresto naman dahil sa pagsusugal

Umabot sa mahigit P9,000 na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa Maynila sa nakalipas na 24 na oras.

Mula umaga ng Mar. 27 hanggang umaga ng Mar. 28, nagsagawa ng tatlong operasyon ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD).

Sa nasabing mga operasyon, 8 katao ang naaresto, at nakakumpiska ng P8,040 na halaga ng shabu at 2 gramo ng marijuana.

Nagkasa din ng operasyon laban sa illegal gambling, kung saan mayroong 26 na katao ang naaresto.

May mga nahuli ding lumabag sa iba’t ibang ordinansa na umiiral sa lungsod.

Kabilang dito ang 338 na katao na lumabag sa pagbabawal sa paninigarilyo sa public place, 191 ang nahuli dahil walang suot na pang-itaas, at may mga nahuli din sa paglabag sa curfew, illegal garbage disposal, traffic management code at obstruction. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *