Publiko pinag-iingat ng PAGASA sa heat exhaustion na maaaring maidulot ng matinding init ng panahon
Pinag-iingat ng PAGASA ang publiko sa patuloy na pagtaas ng temperatura na nararanasan sa bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Samuel Duran, partikular na dapat pag-ingatan ang paglabas-labas kapag tanghaling tapat.
Dapat aniyang iwasan ang magbabad sa direktang sikat ng araw dahil posibleng makaranas ng heat exhaustion o heat cramps.
Sa pagtaya ng PAGASA ngayong araw ng Martes (Mar. 28) posibleng umabot sa hanggang 34 degrees Celsius ang maitatalang temperatura sa Metro Manila.
Sa Zamboanga City, sinabi ng PAGASA na maaaring umabot pa sa 35 degrees Celsius ang temperatura. (DDC)