Ika-116 na anibersaryo, ipinagdirwang ng Las Piñas LGU; iba’t ibang aktibidad, inihanda

Ika-116 na anibersaryo, ipinagdirwang ng Las Piñas LGU; iba’t ibang aktibidad, inihanda

Nagdiriwang ngayon ang Las Piñas City Government ng ika-26th cityhood at ika-116 taon pagkatatag nito.

Dahil dito, iba’t ibang aktibidad ang inihanda para sa cityhood at founding anniversary ngayong Marso 27 mula alas-8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon, ayon kay Las Pińas City Mayor Imelda “Mel” T. Aguilar.

Aniya ilan sa mga isinagawa ay ang health and wellness programs sa Verdant covered court kabilang ang libreng laboratory test sa FBS, cholesterol and blood typing, HIV screening, nutrition education, dental services, immunization para sa mga paslit na may edad na 0 hanggang 59 na buwang gulang, pneumonia vaccines para sa senior citizens, family planning at chest x-ray.

Bukod sa health and wellness,inihanda rin ang ibang programa kasama na ang cityhood mega job fair sa Robinsons Place na prayoridad para sa mga residente na naghahanap ng trabaho na naaangkop sa kanila.

“Ang lokal na pamahalaan ay magsasagawa rin ng mga serbisyo sa pagtanggap ng mga aplikasyon at pagrerenew ng green card holders”, inihayag pa ng alkalde.

Dagdag pa ni Mayor Aguilar na may libreng mga bakuna at deworming para sa mga alagang pusa at aso, habang may pamamahagi ng free seedlings at fertilizers sa Verdant covered court sa Marso 28 sa ganap na alas-8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Ang mga magkapareha na nagnanais na makasal at magpalitan ng kanilang sumpaan sa isa’t isa ay maaaring lumahok sa “Kasalanag Bayan” (mass wedding) na inihanda ng lokal na pamahalaaan sa darating na Marso 31.

Sinabi rin ng alkalde na para sa kasiyahan ng mga Las Piñeros ay nagtampok ang Las Piñas LGU ng isang cultural show na inorganisa ng Las Pinas Tourism and Cultural Office (TCO).

Ang TCO team aniya ang naglinya ng mga aktibidad na nagtatampok ng iba’t ibang kapistahan sa lungsod kasabay ng dalawang selebrasyon ng Las Piñas kasama na rito ang presentasyon ng sikat o pamosong Banda Jose na naghandog ng kanilang exhibition at drill.

“Ibinida rin ng lungsod ang kilalang Sarao jeepney sa harapan ng city hall bilang bahagi ng pagdiriwang”, ayon kay Mayor Aguilar. (Noel Talacay)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *