Operasyon ng Pasig River Ferry suspendido mula Apr. 5 hanggang Apr. 10
Suspendido ang operasyon ng Pasig River Ferry Service sa Holy Week.
Ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority, walang operasyon ang River Ferry mula Abril 5, Miyerkules Santo, hanggang Abril 10, araw ng Lunes.
Ito ay bilang paggunita sa Semana Santa at para bigyang daan-din ang maintenance ng mga ferry boats.
Magbabalik ang regular na operasyon ang ferry service sa Abril 11, araw ng Martes. (DDC)