Vietnam, Cambodia at Singapore flights ng PAL ililipat sa sa NAIA Terminal 1

Vietnam, Cambodia at Singapore flights ng PAL ililipat sa sa NAIA Terminal 1

Simula sa April 16, 2023 ay ililipat na sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga byahe ng Philippine Airlines patungo at galing ng Hanoi, Ho Chi Minh City (Saigon), Phnom Penh, at Singapore.

Ang mga biyahe ng PAL sa United States, Guam, Canada at Bali ay pawang nasa NAIA Terminal 1 din.

Ang iba pang PAL international flights gayundin ang mga domestic flights ay umaalis at lumalapag sa NAIA Terminal 2.

Payo ng PAL sa mga pasahero, tiyakin muna ang kanilang flight terminal bago magtungo sa paliparan.

Mayroon namang shuttle buses na bibiyahe sa Terminals 1 at 2 na maaaring masakyan ng mga pasahero ng PAL.

Ang pasahero naman ng ibang airlines ay maaaring sumakay sa shuttle buses na inilaan ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Simula April 16, 2023, narito ang listahan ng PAL flights base sa kani-kanilang terminals:

T1 – NAIA TERMINAL 1 – Departures and Arrivals:
– Vietnam – Hanoi, Ho Chi Minh City
– Phnom Penh
– Singapore
– Bali
– Middle East – Dubai, Doha, Dammam, Riyadh
– Canada – Toronto, Vancouver
– United States – Los Angeles, San Francisco, New York, Honolulu
Guam

T2 – NAIA TERMINAL 2 – Departures and Arrivals:
– All PAL Domestic Flights
– Australia – Brisbane, Sydney, Perth, Melbourne
– Bangkok
– Korea – Seoul (Incheon), Busan
– Japan – Fukuoka, Tokyo (Haneda), Tokyo (Narita), Osaka (Kansai), Nagoya
– Mainland China – Beijing, Shanghai, Guangzhou, Jinjiang, Xiamen, Hong Kong
– Jakarta
– Kuala Lumpur
– Macau
– Port Moresby
– Taipei

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *