Mahigit 9,400 na litro ng oily water mixture nakulekta sa karagatan sa nagpapatuloy na oil spill response ng PCG

Mahigit 9,400 na litro ng oily water mixture nakulekta sa karagatan sa nagpapatuloy na oil spill response ng PCG

Umabot na sa mahigit 9,400 na litro ng oily water mixture at 115 na sako ng oil contaminated materials ang nakulekta sa nagpapatuloy na oil spill response ng Philippine Coast guard (PCG) sa Oriental Mindoro.

Ang nasabing bilang ayon sa PCG ay ang mga nakulektang contaminated materials at oil water mixture sa karagatan.

Samantala simula noong March 1 hanggang March 26 sinabi ng PCG na umabot naman sa 3,514 na sako ng oil contaminated materials at 22 drum ng oil water mixture ang nakulekta sa mga apektadong baybayin.

Patuloy ang ginagawang shorline response at offshore response ng Coast Guard sa mga apektadong barangay sa mga bayan sa Oriental Mindoro. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *