Maynilad may water service interruptions sa ilang mga barangay sa NCR bilang paghahanda sa pagtaas ng demand sa tubig
Pinaghahandaan na ng Maynilad ang posibilidad ng pagkakaroon ng kakapusan sa suplay ng tubig dahil sa nararanasan nang mainit na panahon.
Ayon sa Maynilad kailangang punuin ang kanilang reservoir para maging handa sa peak demand sa mga lugar na sinusuplayan nila ng tubig sa Metro Manila.
Dahil dito mayroong ng araw-araw na service interruptions ang Maynilad sa kanilang mga customers sa ilang mga barangay sa Caloocan City, Manila City, Makati City, Malabon City, Pasay City, Quezon City, at Valenzuela City.
Nagsimula na ito kahapon March 26 at tatagal hanggang March 29, 2023
Ang interruptions ay mula 9:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga.
Pinayuhan ng Maynilad ang mga apektadong costumer na mag-ipon ng sapat na kailangang tubig sa mga oras ma mayroon silang suplay.
May mga mobile water tankers din ang Maynilad na mag-iikot sa mga apektadong lugar para mag-rasyon ng potable water, at may itinalaga ding stationary water tanks sa ilang mga lugar. (DDC)