Pangulong Marcos nakiisa sa pagdiriwang ng mga Katoliko sa deklarasyon sa Antipolo Cathedral bilang international shrine

Pangulong Marcos nakiisa sa pagdiriwang ng mga Katoliko sa deklarasyon sa Antipolo Cathedral bilang international shrine

Nakiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdiriwang ng mga Katoliko sa deklarasyon ng Vatican sa Antipolo Cathedral bilang kauna-unahang international shrine sa bansa at ikatlo sa buong Asya.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ng pangulo na sana ay lalo pang palalimin ng karangalang ito ang pananampalataya ng bawat isa.

Epektibo sa March 25, magiging international shrine na ang Antipolo Cathedral.

Batay ito sa decree ng Santo Papa.

Mayroong tatlong uri ng shrines ang Catholic Church.

Ito ay ang diocesan shrines na inaaprubahan ng local bishop, national shrines na kinikilala naman ng bishops’ conference at ang international shrines na ini-endorso ng Vatican. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *