Mahigit 2,000 tauhan ipakakalat ng MMDA sa NCR para sa Semana Santa; “No Day Off, No Absent Policy”, paiiralin

Mahigit 2,000 tauhan ipakakalat ng MMDA sa NCR para sa Semana Santa; “No Day Off, No Absent Policy”, paiiralin

Magpapakalat ng 2,104 na mga tauhan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pangunahing lansangan sa NCR para sa Oplan Metro Alalay Semana Santa 2023.

Magsisimula ito sa Miyerkules Santo, April 10 kung saan itatalaga ang mga tauhan ng MMDA sa mga pangunahing lansangan, transport hubs at iba pang mga lugar.

Ipatutupad din ng MMDA ang “No Day Off, No Absent Policy” sa April 5, 6 at 10 kung kailan inaasahan ang pinakamaraming motoristang bibiyahe dahil sa Holy Week exodus.

Habang magkakaroon naman ng skeletal deployment sa April 7, 8, at 9 na sesentro naman sa mga Visita Iglesia sites.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, simula sa April 3, magkakaroon ng multi-agency command center (MACC) sa MMDA Metrobase.

Ito ay para matiyak ang mapayapa at maayos na paggunita ng Semana Santa.

Ang MACC ay bubuuin ng mga kinatawan mula sa MMDA, Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), Land Transportation Office (LTO), Philippine National Police (PNP), at local government units. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *